Alas-dose na nang tanghali pero hindi mo mararamdaman ang init sa halip malakas na hangin ang dumadampi sa balat ko. Kanina pa nagugulo ang buhok ko dahil nakalimutan ko ang magpuyod ng buhok. "Ang sarap talaga sa probinsya," sabi ni Aldrin. Nakahiga siya sa kandungan ko habang nasa ilalim kami ng puno ng narra. Naisipan namin mag-picnic habang natatanaw namin ang mga tauhan ko na nag-aani ng palay. Palay at mangga ang pangunahing negosyo ng hacienda. Yumuko ako saka hinaplos ko ang mukha niya. "Tama ka. Masarap dito sa probinsya. Kapag toxic ka sa Manila ito ang pinaka magandang puntahan." Tumingin ako kay Cedric na nakikipaghabulan sa mga alaga niyang aso. "Cedric! Careful!" sigaw ko. Tumingin din si Aldrin sa kanya. "Hindi na alaala ni Cedric ang nangyari noong na kidnap ka." "Mabu