"Yuna!" tawag sa akin ni Simon. Hinintay niya ako sa labas ng opisina ko. Pilit naman ang naging ngiti ko sa kanya. Alam ko na kasing kakausapin niya ako dahil hindi ko na sinasagot ang tawag niya. "Simon, kumusta na?" Seryoso siyang nakatitig sa akin. "Can we talk?" Tumango ako pagkatapos ay umalis kami ng opisina. Nagpunta kami sa pinakamalapit na coffee shop hindi kayuan sa kumpanya. "Yuna, I miss you, bakit hindi kayo pumunta sa mansyon kahapon?" "Nagdesisyon akong huwag nà lang pumunta dahil para hindi mapagod si Cedric." Sabay iwas ko ng tingin sa kanya. "Hindi ka naman ganyan. May bagay ba ako na hindi alam?" Huminga ako ng malalim. "Mahal ko na ulit si Aldrin." Diretsang sagot. Kitang-kita ko ang pagbabago ng itsura niya. Matalim niya akong tinitigan. "Anong ibig sabih