"Good morning." Isang halik sa pisngi ang naramdaman ko nang gisingin ako ni Aldrin. Hinila ko ang comforter upang ibalot sa katawan ko, ngunit inalis ito ni Aldrin at umibabaw siya sa akin saka pinugpog ako ng halik sa leeg. "Aldrin, inaantok pa ako," sabi ko sa kanya. Tinutulak ko siya ngunit ayaw talaga niyang umalis sa ibabaw ko. "Love, gumising ka na. Hindi ka ba papasok sa opisina?" "Magkikita kami ni Nancy ngayon." Huminto siya sa panghahalik sa akin. "Huh? Bakit kayo magkikita?" "Natural bestfriend ko siya." Umalis siya sa ibabaw ko at niyakap niya ang bewang. Nakapikit ako habang nakikipag-usap kay Aldrin. "Sasama ako sa iyo na makipagkita sa bestfriend mo." "Aldrin, girls day out 'yon, huwag ka ng sumama." "Bakit hindi puwede? I also want to tell her that we are getting