"We are here." Narinig kong sabi ni Aldrin. Tiningnan ko ang labas ng kotse. Nakita kong nasa loob na kami ng bakuran ng mansyo niya. Dahil sa dami ng iniisip ko kanina. Hindi ko namalayan na nakarating na kami sa mansyon. "Love, are you okay?" tanong ni Aldrin. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala sa akin. Huminga ako ng malalim saka tumingin sa kanya. "I'm not okay. Aldrin, may dapat kang malaman sa akin." Nakatingin siya sa akin habang hinaplos niya ang mukha ko. Nararamdaman ko sa haplos niya ang labis na pagmamahal sa akin. Mas lalo tuloy akong nagu-guilty sa kanya. "Stop blaming yourself. It's my fault for whatever bad things you did before." "Aldrin…" "Walang ibang mahalaga sa akin kung hindi kayong dalawa lang ni Cedric. Huwag kang mag-isip ng kung ano-ano. Pakakasalan kita a