"Love, where are you going?" tanong sa akin ni Aldrin. Nakasuot kasi ako ng formal dress ngayon at pusturang-pustura. Makikipagkita ako kay Simon. Hindi para makiusap sa kanya na ibalik ang lahat ng kayamanan ni Aldrin. Kung hindi ang kunin ang nararapat para sa akin. Kailan kong makuha ang pinangako niya upang ibigay kay Aldrin. Kahit sa maliit na ari-arian ay mabayaran ko ang kinuha ni Simon. Alam kong ang Hacienda na ibinigay niya sa akin ay masyadong maliit sa kinamkam niyang yaman ni Aldrin. Ngumiti ako sa kanya. "Makikipag-meeting lang ako sa isang investor," alibi ko. Ayokong malaman niyang makikipagkita ako kay Simon. "Gusto mo bang samahan kita? Hindi naman ako pupunta ng restaurant." Walang hawak na hospital si Aldrin, at along wala na rin siyang casino at mga electronics