"Daddy!" tawag ni Cedric kay Simon nang pumunta kami sa mansyon niya. Pinapunta niya ako dahil magiging sagot niya sa offer ko sa kanya. Pinasama niya si Cedric dahil nami-miss na niya ito. Nakatingin ako sa kanilang dalawa. Hindi naman nagbabago ang tingin ni Simon kay Cedric. Nararamdaman ko pa rin ang pagmamahal niya rito, kaya naman kahit si Cedric ay hindi nagbago ang pakikitungo sa kanya. Tinuturing pa rin niya itong pangalawang ama. Napansin ko bumagsak ang katawan ni Simon ngunit hindi ko naman tinanong sa kanya iyon. "Kumusta ang baby ko?" tanong ni Simon kay Cedric. "Guwapo pa rin ako Daddy." Nagpa-cute siya kay Simon. Natatawa naman si Simon sa sinabi niya. "I bought some toys and clothes for you." "Really? Thank you, Daddy, I love you." "I love you, too." Tumingin siya