Patuloy ang pagpatak ng luha ko pagkatapos kong basahin ang sulat ni Aldrin. Wala akong kaalam-alam na iiwan na pala niya ako. Kaya pala halos ayaw niya akong pakawalan dahil hindi ko na pala siya makakasama. Lumabas ako ng kuwarto upang puntahan ang Daddy ni Aldrin. Hahanapin ko siya. Itutuloy namin ang kasal namin. Hindi ako papayag na hindi matutuloy ang kasal namin sa simbahan. "Mommy, are you crying?" tanong sa akin ni Cedric nang makita niya ako. Nasa living room siya kasama ang Yaya niya. Umiling ako. "Nalagyan ng sabon ang mga mata ko kaya namumula." "Are you sure?" paniniguro ni Cedric. Yumuko ako at hinawakan ang mukha niya. Kung noon kapag nakikita ko ang mukha si Cedric ay bumabalik ang galit ko kay Aldrin, pero ngayon sobrang nasasaktan ako dahil sinakripisyo niya ang