"Love, I 'm miss you, so much!" bulong ko, habang pinagmamasdan ko siyang natutulog. Nilagyan ko siya comforter sa katawan para hindi siya lamigin. Pagkatapos ay dahan-dahan akong lumabas ng kuwarto. Maliban sa mayordoma namin. Sinigurado kong walang makakakita sa akin na ibang katulong upang hindi malaman ni Euhanna na nasa Manila ako. Apat na araw lang ako sa probinsya na dapat sana ay doon na ako maninirahan. Hindi ko kinaya ang pangungulila kay Euhanna at Cedric kaya bumalik ako para bantayan sila kahit pinagmamasdan ko lang sila mula sa malayo. "Sir. Aldrin, sa likod na kayo dumaan para walang makikita sa inyo. Binuksan ko na rin ang gate sa likod," sabi ng Mayordoma ko. "Maraming salamat." "Mag-iingat po kayo sa pagmamaneho," sabi pa niya. "Kayo ng bahala sa mag-ina ko." Sini