CHAPTER 78

2234 Words

Cellphone ko ang una kong binuksan nang magising ako ng alas-sais ng umaga. Sinilip ko muna si Aldrin bago ko binuksan ang cellphone ko. Pagkatapos ay nakita ko ang mga text sa akin ni Jackson. Nagpapaalala kung anong oras kami magkikita ngayon. Huminga ako ng malalim saka binura ang lahat ng text ni Jackson. Pagkatapos ay dumiretso ako ng banyo para maligo. Tulog pa rin si Aldrin nang mataps akong maligo kaya naman ay dumiretso ako sa kusina para ipaghanda ng pagkain si Aldrin. Kapag pumupunta siya ng kumpanya ay maaga siyang nagigising kaya siguradong magigising na rin ito mayamaya lang. "Ma'am, kanina pa tumutunog ang cellphone niyo," sabi ng cook namin. "Ha?" Saka ko lang namalayan na nakatulala na pala ako habang umiinom ng kape. Dinampot ko ang cellphone ko sa ibabaw ng table ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD