"Ouch!" daing ni Aldrin. Inalis ko ang bulak sa gilid ng labi niya. Dahil nagpambuno silang dalawa ni Joshua ay nagkaroon siya ng sugat. Hindi rin kasi nagpatalo si Jackson kaya nagkasugat sila pareho. Kung hindi sila inawat ng driver namin baka hindi pa sila tumigil. "Sorry." Sabay yuko ko. Na-guilty ako sa nangyari sa kanya dahil kung hindi dahil sa akin ay hindi siya magkakasugat. "Love, bakit hindi mo sa akin sinabi na alam mo na pala na si Jackson ang tunay na ama ni Elisa?" Huminga ng malalim si Aldrin. "Dahil pinsan at bestfriend ko siya. Hinayaan kong malaman niya ang totoo. Hindi ko inaasahan na gusto ka rin niyang kunin sa akin." "Kasal na tayo at walang makapaghihiwalay sa atin." Tinitigan ako ni Aldrin. "Love, mahal mo ba ako?" "Bakit mo naman naitanong ang bagay na 'ya