"Handa na ang lahat ng mga gamit natin,"sabi ko habang bitbit ko ang maliit na bag na ang laman ay pangunahing gamit ni Cedric. Katulad ng spiderman niyang tumbler, at ang cellphone niya. Binilihan siyang Daddy niyang cellphone para gamitin sa pag-aaral niya at para matawagan na rin siya kapag gusto namin siyang kausapin kung wala kami sa mansyon. Tumango si Aldrin. "Yeah, let's go, umalis na tayo." Kinarga niya si Cedric palabas ng mansyon habang ang kanang kamay niya ay nakahawak sa kamay ko. Ang katulong namin ang nagbitbit ng mga gamit para ilagay sa kotse. "Madam, saan po kayo pupunta?" tanong ng mayordoma namin. Hanggang ngayon kasi ay hindi namin sinasabi sa mga kasambahay namin kung saan kami pupunta. Sigurado kasing magtatanong ang magulang ni Aldrin sa kanila. Dahil ayaw namin