"Hello, Mama!" Bati sa akin ng anak kong si Elisa nang makipag-video call siya sa amin. Alas-singko pa lang ng umaga pero tinawagan niya ako. Ngumiti ako. "Kumusta ka na anak?" Bakit maaga kang nagising?" Bagong ligo si Elisa at nagsusuklay siya ng basang buhok niya. "Sasama ako kay Tita Alice, mamili kami ng paninda niya." Huminga ako ng malalim. "Ayaw mo talaga kaming kasama ng kapatid mo?" Kung minsan tinatanong ko sa sarili ko kung bakit ayaw niyang sumama sa amin. "Mama, huwag ka ng malungkot. Nag-aaral po ako ng mabuti. Kaya po hindi ako puwedeng sumama sa inyo sa mga bakasyon n'yo." "Kapag natapos na ang klase mo ngayon sa akin ka na tumira. Ilang beses siyang tumango. "Promise po yan, "Mag-iingat kayo diyan." "Opo, kumusta mo na lang ako kay bunso at Papa, bye!" Hu