"Love, baka hindi ako makauwi mamayang gabi," sabi ni Aldrin habang kumakain kaming dalawa ng almusal. Alas-sais pa lang ng umaga kaya tulog pa si Cedric. Hinahayaan kasi namin na magising siya kung kailan niya gusto dahil kapag nagsimula na siyang mag-aral ay kailangan niyang gumising ng umaga. Huminto ako sa pagkain at tumingin sa kanya. "Bakit? May problema ba sa kumpanya?" tanong ko. Ang huling kong natatandaan na hindi siya umuwi ng gabi ay noong nagkaroon ng feedback ang trusted customer nila sa kanilang produkto. Halos hindi na siya umuwi sa sobrang stress. Kabilaan ang mga meetings niya noon. "Pupunta ako sa singapore para sa party." Kampanteng sagot niya. Hindi man lang siya tumingin sa akin habang kinakausap niya ako. "Party?" Nakaramdam ako ng inis sa sinabi niya. "Yeah, pa