Hinimas ko ang likod ni Aldrin habang nakahiga kaming dalawa sa kama. Kanina pang umaga pumunta si Simon. Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin makausap si Aldrin. Naintindihan ko naman dahil hindi madali para sa kanya ang pumayag sa gusto ni Simon. "I had a hard time agreeing to what Simon wanted." "I understand. Hindi mo kailangan magmadaling magdesisyon.” Tumingin siya sa akin. “Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin.” “Love, alam kong malaki ang kasalanan na ginawa sa atin ni Simon, pero kailangan niya tayo.” “Hindi ko na inaasahan na ibabalik niya sa akin ang lahat ng kinuha niya dahil hindi naman ‘yon mahalaga para sa akin. Ikaw lang ang mahalaga at si Cedric.” “I know.” Tumingin ako sa kanya at humalik sa labi niya. Hindi pa kami tapos sa problema sa Mommy niya may panib