SA mansyon sa Quezon City siya iniuwi ni James makalipas ang ilang araw niyang pananatili sa ospital. Babalik parin naman daw sila ng Batangas. Sa ngayon kasi ay medyo nagiging maselan na ang kondisyon ng palilihi niya. Pero sa kabilang banda, may bahagi ng isipan niya ang parang ayaw maniwalang iyon lang ang dahilan ni James kaya mas pinili nitong doon sila mag-stay. Kung makakasama lang naman sa bahay ang iniisip nito, naroon naman si Aling Erlie na mabait at likas na maasikaso sa kanya. "Feeling ko nag-aalala siya sa'yo" si Jocel iyon araw ng linggo at dinalaw siya sa malaking bahay. Tumango siya saka sinulyapan ang anak nitong si Janna na masayang naglalaro sa gilid swing na nasa garden na iyon. "Ang laki na ng inaanak ko, parang kailan lang nung pabinyagan ninyo siya ni Allan" ang

