"JAMES?" si Aria nang marinig ang boses ng binata sa kabilang linya. "Aria, sweetheart napatawag ka? Pasensya na nasa meeting ako kanina kaya hindi ko nasagot iyong mga calls mo" paliwanag pa nito. "Pupuntahan ko si Norman" ang sa halip ay isinagot niya nang saktong makapara ng taxi. "No! Anong gagawin mo doon? Hindi pwede!" ang magkakasunod at matigas na tanggi ng binata. Napaiyak na noon ang dalaga. "Kinuha niya si Janna" aniyang napahagulhol. "Ano?" ang hintakot na tanong ng binata sa kabilang linya. Sumighot siya saka muling kinawayan ang paparating na taxi. "Makinig ka, ite-text ko sa'yo iyong address kung saan kami magkikita. Puntahan mo ako doon, magsama ka ng pulis" sa huling sinabi ay napahagulhol na siya ng iyak. "Please, hintayin mo ako, pupuntahan kita diyan" pakiusap sa

