"SALAMAT, Sire. Hindi mo ipinagdamot kay Santi 'yung pagiging ama mo sa kanya kahit sandali lang. I really hope, Elena, won't mind having Santi in your life." Tumango lang si Sire kay Charity bago binalingan si Santi. Bahagya pa niyang ginulo ang buhok nito at nag-squat para magpantay sila. "Magpakabait ka. Next summer vacation, welcome ka uling magbakasyon dito kay Daddy. At mag-aral ka ring mabuti. Okay?" "Yes, dad." Yumakap pa ito sa kanya ng mahigpit. Napangiti siya ng maramdaman ang maliit nitong bisig na pumulupot sa kanyang leeg. Hindi maikakaila na dumadaloy rito ang dugo niya. Kamukha niya ito noong bata pa siya. Tapos na ang limang araw na hiniling sa kanya ni Charity para makasama ang anak nila. Kailangan na ring bumalik ng mga ito sa New Jersey kung saan ngayon nakabase an