MASKI isip ni Elena ay hirapan na tanggapin na may anak si Sire sa ibang babae. Kaya ba bumalik si Charity dahil sa anak nito kay Sire? Kung iyon nga ang dahilan, bakit ngayon pa nito naisipan kung kailan handa na siyang talikuran lahat para lang makasama ang asawang si Sire? Gusto ba nito na balikan ito ni Sire? "A-Anak mo," ewan niya kung may lumabas pang tinig sa kanyang bibig. Bigla rin ang panghihina ng lahat sa kanya sa nalaman. Mula sa mukha ni Sire ay unti-unting bumaba ang tingin niya sa sahig. 'Yung pakiramdam na may biglang humarang na mataas na pader sa pagitan nila ni Sire. Kumibot ang labi niya. Pati paghinga ay nahihirapan siyang gawin. Naninikip ang dibdib niya sa rebelasyong nalaman. Hiling niya ay nasa isa siyang gag show at joke lang ang lahat. Pero malinaw na hindi. N