TIPSY na ang pakiramdam ni Elena ng ihatid siya ni Sire sa Fiorano Company. Alam niya ganoon din si Sire. Bagaman at nahihilo ay alam pa naman niya ang nangyayari. Inihatid din siya nito sa penthouse. Pakiramdam kasi niya ay susubsob siya sa sahig kaya nakaalalay ito sa kanya. "Okay na ako rito. Umuwi ka na," aniya ng makaupo sa gilid ng kama niya. Nasapo niya ang ulo. Nahihilo pa rin ang pakiramdam niya. "I don't think I can drive. Baka sa kuwarto ko na lang ako matutulog." Ikinumpas niya ang isang kamay. "Bahala ka." Nang hindi pa rin matinag sa kinatatayuan si Sire ay bahagya niya itong tiningala. "Bakit hindi ka pa lumalabas?" Mapungay na rin ang mata niyang nakatitig dito. Kahit nahihilo na ay ang guwapong-gwapo pa rin ito sa kanyang paningin. "'Yung dare ko," paalala nito sa gina