NAALIMPUNGATAN si Elena sa gitna ng pagkakatulog. Babaling sana siya sa kaliwa niya ng makitang nakasiksik ang mukha ni Sire sa may gilid ng pisngi niya. Napalunok siya. Mukhang pati lalamunan niya ay nanuyo bigla ng mapagtantong nakayakap pa ito sa kanya. Nakadantay rin ang binti nito sa hita niya habang nababalutan sila parehas ng comforter. As if he owns her. Tumatama maging ang mainit nitong hininga sa pisngi niya. Napigil tuloy niya sandali ang paghinga. Kinalma niya ang pusong nagwawala na naman ng tila flashback sa kanyang isipan sa isang pelikula ang mainit na tagpong pinagsaluhan nila ng binata kanina. They make love. At wala siyang ibang maramdaman ng mga sandaling iyon kundi ibayong kasiyahan. Wala rin siyang ni katiting na nakakapang pagsisisi dahil ibinigay niya ang sarili ka