NAPATINGIN si Elena kay Sire ng marinig ang sinabi nito sa receptionist ng Yadoya Hotel. Iisang kuwarto lang kasi ang kinuha nito para sa kanilang dalawa habang naroon sila sa Leisure Club. “Sigurado ka bang isang room lang ang kukunin mo?” “Ayaw mo yata akong katabing matulog?” Nasiko niya ito sa tagiliran ng mapangiti ang babaeng nagbigay ng card key kay Sire. Iginiya na siya ng binata habang natatawa pa rin sa reaksiyon niya kanina. “Look, you’re blushing,” nangingiti pa ring tudyo ng binata sa kanya. Nahihiya lang siya dahil narinig ng receptionist ang sinabi nito kanina. “Tigilan mo ako, Sire.” Nang makarating sa silid na ukupado nila ay nag-aya rin agad ang binata na kumain sila. Pagkatapos niyon ay inilibot din siya nito sa Leisure Club bagay na hindi nila nagawa noon na magka