SOBRANG bilis ng pangyayari. Pakiramdam nga ni Elena ay nasa isa siyang roller coaster ride dahil sa isang iglap lang ay kasal na agad sila ni Sire. Kaya pala kinuha nito ang information niya ng nakaraang gabi ay dahil nagpabuklat ito ng Birth Certificate at Certificate of No Marriage o CNOMAR sa kaibigan nitong head ng NSO. And the rest ay nagawan na ng paraan ni Sire lalo na at kaibigan nito ang judge na nagkasal sa kanila. At habang hindi pa pormal na nasasabi ni Sire sa pamilya nila na kasal na sila ay mananatili ring tikom ang bibig ng tatlo nitong kaibigan na siyang tumayong witness sa kasal nila. Pinagmasdan niya ang gold ring na may maliliit pang diyamante na naka-engrave sa mismong singsing. She sighs then smiled. Ngayon siya na si Elena Jimenez-Fiorano. Tiyak na wala ng magiging