PART 76

1913 Words

"Bakit ka ganyan makatingin?” naiiritang tanong ni JL kay Aling Susan. Dalawa silang nagbabantay kay Baby Zia. Ngumisi ang ginang at humalukipkip. “Wala naman. Naisip ko lang na malala nga pala talaga ang karma ng mga kabet.” Kahit na naiirita na naman siya sa ginang ay napasinghap lang sa hangin si JL. “So, masarap ba ang karma, JL? Landi pa para hindi lang ‘yan ang maging karma mo sa susunod. Alam mo bang nadismaya pa nga ako sa ginawa ng manugang ko sa ‘yo, eh. Dapat hindi lang ganyan. Dapat ‘yung mas malala pa sana.” Umikot ang mga eyeballs niya. Heto na naman po sila. Gayunman ay nagpasya siyang hindi na lang niya papatulan ang ina ni Jonathan dahil kung meron mang ikinaganda ng karma niyang sinasabi nito ay iyon ang hindi na niya magiging biyenan ito na kahit kailan ay hindi ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD