"Kailan siya nagising? At anong nangyari nang nagising siya?” mahinahon na ang boses ni Jonathan nang magtanong siya kay Marjorie kalaunan. “Nahirapan siya kahit sa pagsasalita at pagkilos. Hindi rin siya nakalakad agad, Kuya.” Kahit si Marjorie ay kalmado na rin. Magkatabi na sila ngayon na nakaupo sa waiting chair na nasa labas ng silid ni Ashlene habang nag-uusap. Sila na lang ulit na dalawa dahil iyon ang request kanina ni Jonathan na si Marjorie lang ang gusto niya munang makausap. Kay Marjorie nais malaman lahat ni Jonathan ang nangyari. Sa kabila ng lahat ay sa dalaga pa rin siya naniniwala o nagtitiwala. Nanlumong napahilamos si Jonathan sa mukha. Namumula ang kanyang mga mata. Hindi niya maisip kung gaano ang paghihirap ni Ashlene sa pag-recover mula sa pagkaka-coma na wala si

