"Manloloko ka! Wala kang kuwenta kaya hindi mo ako masisisi kung naging ganito ako!” puno nang paninisi ang tinig na patuloy ni Ashlene. “JL, ano bang mga sinasabi mo? Kung meron dapat magsabi niyan sa ‘kin ay walang iba kundi ang tunay kong asawa at hindi ikaw,” naguluhan na talagang sabi naman ni Jonathan. Rumagasa ang mga luha ni Ashlene at ayon na naman may mga bumabalik na naman sa mga alalala niya. Napahawak siya sa noo at napapikit. “JL, ano ba talagang nangyayari sa ‘yo? Bakit ganyan ka na? Hindi kita maintindihan.” “Don’t you dare touch me!” Akmang hahawakan siya ni Jonathan pero iniiwas niya ang kamay. Muli rin siyang napangiwi nang may naalala na naman siyang sweet nilang eksena ni Jonathan. Wala man lang siyang nakitang masama na ginawa sa kanya ni Jonathan. Bakit gano’n?

