“Baby Zia, we are now at home.” Masayang-masaya si Jonathan habang karga niya ang anak na bumaba sa kotse. Lahat ay masaya pati si Aling Susan at Darren, maliban lamang kay Ashlene na nagpapanggap na si JL. Pasimpleng iirap-irap siya habang nakikita niyang mahal na mahal ni Jonathan ang anak nito sa kabit nito; ang bunga ng pagtataksil sa kanya. How dare he! “Let’s go inside. Mainit dito sa labas,” sabi ni Aling Susan. “Welcome home, Baby Zia!” mayamaya ay malakas na bati ng halu-halong boses sa bagong myembro ng pamilya. Sinorpresa nila ang inaakala nilang si JL at ang sanggol na idea syempre ni Jonathan. May konting salu-salo pala na inihanda si Jonathan para kay Baby Zia at lihim niyang inimbita ang pamilya ni JL. Totoong nasorpresa naman si Ashlene, pero iyon ay ang hindi niya inas

