"Jonathan, Son? Totoo ba na itinakbo mo sa ospital ang anak mo?” tanong agad ng kanyang mommy nang sagutin niya ang tawag nito. “Yes, Mom, but don’t worry because she’s fine now. Actually, pauwi po ako ngayon. I’m driving.” “Iniwan mo ang anak mo ro’n?” “Yes, Mom. I just need to talk to someone important. Nandoon naman si Yaya Marites. Hindi niya pababayaan si Baby.” “Gano’n ba. Eh, di kung ganoon ay sunduin mo na lang pala ako rito sa airport mamaya.” “Bakit ka ‘andiyan?” “Hindi mo ba alam na ngayong gabi ang flight ni Darren?” Hindi niya alam pero naisip niya baka sinadya ng kanyang kapatid na huwag sabihin sa kanya iyon. “Uhm yeah, of course I know. He called me a while ago pero sabi ko ay hindi ko siya maihahatid na kasi nga may sakit ang pamangkin niya.” “That’s what he said t

