“I’m asking you, JL. Sinong kausap mo? Si Marjorie na ba ‘yan na kapatid mo?” ulit ni Jonathan na tanong. Nabahala si Ashlene na itinago ang cellphone sa likod niya at pinatay. Pati man si Marjorie na nasa kabilang linya ay bigla ring patay ang cellphone nang narinig nito ang boses ni Jonathan. “N-no, it’s not her. Uhm... iyong inupahan kong tao ‘yon para hanapin ang kapatid ko.” Pasalamat ni Ashlene dahil nakapag-isip siya agad ng palusot. “Ipinapahanap mo rin pala si Marjorie?” “Syempre kapatid ko ‘yon. Kung nagsawa ka na sa paghahanap sa totoong asawa mo, pwes ako hindi. Kahit gano’n na pinagtaksilan ako ni Marjorie ay kapatid ko pa rin siya. Sa kabila ng lahat ay mahal ko pa rin siya.” Alam ni Ashlene ang buong kuwento kaya madali lang sa kanya na magdrama. Biglang lungkot si Jon

