"Mom, please help me. Bawiin natin si Ashlene. Ipaliwanag mo kay Mama Marcelina na hindi ko iyon sinasadya. Nadala lang ako sa tukso. Inakit kasi ako ni JL.” Maluha-luha si Jonathan habang pinakikiusapan niya ang ina sa cellphone. “Kung gano’n ay totoo ang sinasabi sa ‘kin ni Darren noong isang araw na may babae ka ?!” Hindi makapaniwala naman ang boses ni Aling Susan sa kabilang linya. “Sorry, Mom, but I promise titigilan ko na ‘to tulungan mo lang akong mabawi si Ashlene. Kailangan ko po ang asawa ko.” Napasinghap naman si JL na siyang kasalukuyang nagmamaneho. Ang sama ng tinging isinulyap niya kay Jonathan. Naiinis na naman siya dahil kahit magkatabi sila ay nasasabi pa rin ni Jonathan ang mga ganoong bagay. Napakawalanghiya talaga! “Sige, susubukan kong kausapin si Balae. Pero, Jo

