“Sino kayo? Hindi ko kayo kilala. Nasaan ako? Sino ako?” sunod-sunod na tanong pa ni Ashlene. Mababakas sa mukha niya ang takot, ng matinding pagtataka. “Ashlene, Anak, ako ‘to. Ang mama mo,” pakilala ulit ni Aling Marcelina sa sarili sa hindi nakakakilalang anak. “Hindi kita kilala! Hindi ko kayo kilala! Lumayo kayo sa ‘kin!” Nga lang ay hestirikal na ni Ashlene. Nagpumiglas ito. Nagwala. Buti na lang at nahawakan ito ng mga nurse. “Ate, calm down.” Kahit si Darren ay masuyong nakihawak. “Let me go! Anong ginawa niyo sa akin!” pagwawala pa rin ni Ashlene. “Aaahhh!” Hanggang sa nakaramdam na ito ng sakit kaya napangiwi at napasapo ito ng ulo. “Anak ko...” Sa pagkaawa sa sinasapit ng anak ay napahagulhol na si Aling Marcelina. Tutop ang bunganga na napaatras ito kaunti dahil sa takot s

