“I love you, Jonathan! Handa akong maging kabit mo sabihin mo lang!” kalaunan ay malakas na sigaw ng lasing na lasing na ngang si JL. Malutong na nagtatawa ito at nagsasayaw-sayaw. “Wooh! Ang saya-saya ko! Akin na si Jonathan ko!” Sina Flower at Gomer na lasing na rin ay malalakas din ang mga halakhak. Tawang-tawa sila na pinapanood ang pagwawala ni JL. Halos mag-isang linya naman ang dalawang kilay ni Jonathan sa nadatnang eksena na iyon. Malalaki ang mga hakbang niyang tinungo ang table ng tatlo. “Pare, nandito ka na pala,” sabi ni Gomer nang makita siya. Inalok agad sa kanya ang isang bote ng alak. “Inom ka.” Hindi niya ito pinansin. Dumiretso siya sa kinaroroonan ni JL. Walang anumang hinablot niya ang isang braso nito. Nagulat si JL pero saglit lang dahil nang nakita at nakilala

