Nagising na lang si Marjorie dahil sa tunog ng alarm clock. Naghikab siya at nag-inat. Alas singko na ng umaga ang itinuro ng orasan nang kanyang sulyapan. Ibig sabihin ay kailangan na niyang bumangon upang makapagluto ng almusal, kahit pa ang pakiramdam niya’y kakaidlip pa lamang niya. Pinilit niya ang sarili na umalis sa kama. Hindi siya dapat tatamad-tamad lalo’t sigurado siya na maaga ngayon na papasok ang kanyang Kuya Jonathan dahil hindi pumasok sa trabaho kahapon. Hindi niya pa nakita ang kanyang amo na nag-absent ng higit sa isang araw. At siguro naman ay dumating na ito. “Good morning, Ate Ashlene. Gutom ka na ba? Wait lang, ha? Ipaghahanda na kita ng almusal.” Bago tunguhin ang kusina ay sinilip muna ni Marjorie ang kanyang Ate Ashlene. Ang kaso ay mali siya sa inakalang baka

