PART 27

954 Words

“Sorry, Marjorie, kung nakagawa ako ng kasalanan pero maniwala ka, hindi ko sinasadya,” panimula nga ni Jonathan sa confession na nais nitong mangyari. Napayuko ito ng ulo pagkatapos. Napaluha si Marjorie. Maliwanag na inaamin na ng kanyang amo na pinatulan na nga nito ang kanyang Ate JL. “Hindi ko alam paano ako naging marupok. Basta namalayan ko na lang na nangyari na ‘yun, na nagwagi na ang Ate mo sa pang-aakit sa akin. Sorry, sorry talaga kung nabigo kita.” “Kuya, huwag kang mag-sorry. Ang dapat mong gawin ay itama mo ang pagkakamali mo. Hindi pa huli ang lahat,” pakiusap niya. Kahit galit siya at disappointed siya sa kanyang amo ay hindi pa rin niya ito magawang sumbatan. Naniniwala siya na kung meron mang dapat sisihin dito ay iyon ay ang kanyang Ate JL. Ang malandi niyang kapatid

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD