"Parang hindi ka mapakali, Pare, ah? Is there something wrong?” pansin ni Gomer sa kaibigan. Panay kasi ang bukas at sara ni Jonathan sa mga cabinet files nila sa opisina. Halatang wala ang focus ang kaibigan sa trabaho. Nandoon man ang katawan nito pero halata namang naglalakbay kung saan ang isipan nito. “Nag-aalala kasi ako, Pare,” pag-amin ni Jonathan kay Gomer. Itinabi niya ang mga document na hawak. “Nag-aalala saan?” “Tungkol sa nangyayari sa amin ni JL,” sagot niyang napahilamos sa kanyang mukha. “At anong ipinag-aalala mo ro’n? Eh, ikaw na nga ang may sabi na hanggang s*x lang ang relasyon niyong dalawa. Malinaw naman yata iyon kay JL, hindi ba?” Napangalumbaba siya sa desk niya. “Yeah, walang problema ro’n. Ang kaso kasi ‘yung kapatid ko, bigla na lang dumating sa bahay at a

