"Kuya Jonathan…” Napilitan tuloy siyang tawagan na ang amo. “Yes, Marjorie?” Napatayo sa kanyang kinauupuang executive chair si Jonathan. He felt suddenly nervous when he saw that Marjorie was calling him. Sa kabila kasi ng mga nangyari ay hindi na niya inaasahan na magagawang tawagan pa siya ng dalaga, ni hindi na nga siya nito kinakausap. “Kuya, si Sir Darren po. Hindi ko po siya makita rito sa bahay.” garalgal at natatara ang boses ni Marjorie sa kabilang linya. “Wala rin po ang kotse niya.” “Baka may pinuntahan lang siya. Huwag kang mag-alala sa kaniya. Ugali na talaga niya ang aalis nang hindi nagpapaalam.” “Kuya, mukhang hindi lang siya basta umalis lang. Kinakabahan po ako sa puwede niyang gawin.” Nakakunot-noo na bumalik siya sa pagkakaupo. “Bakit? Ano sa tingin mo ang gagawin

