(Continuation of Capítulo 50) "Magsabi ka na po ng totoo, tatay... sabihin mo na ang totoo..." umiiyak niyang sabi. "Pasensya na, anak... pasensya ka na." Biglang lumuhod ang tatay niya sa harap niya at lumuha. "Aamin na ako, nagawa ko iyon dahil hindi ko talaga gusto si Nate para sa iyo. I'm sorry for what I've done. Nagmama—" Pinutol na kaagad niya ito. "Bakit po kailangan umabot sa ganito?" tanong niya— humahagulhol. "Pasensya ka na, anak. Patawarin mo ako. Maling pinili ko si Rey sa iyo. Kriminal si Rey at kailangan niyang managot dahil sa nagawa niya. Nagsisisi na ako, Rosallia..." Kita niya sa mga mata ng tatay niya ang matinding pagsisisi. Mali pala ang ginawa niya, hindi pala siya dapat naniwala. Gusto niya tuloy iikot pabalik ang oras. Hindi sana siya kaagad nagpaniwala sa s