HINDI NABILANG NI Nate kung ilang oras ang byinahe nila. Basta't naramdaman na lang niyang tumigil ang sinasakyan niya. At kasabay noon ay ang pagbukas ng trunk at bumungad sa kaniya ang isang lalaki. "Ano, nakakahinga ka pa ba riyan?" nangingisi nitong tanong sa kaniya. "Are you blind? Of course, I am," sagot niya rito. Masakit pa rin ang tuhod niya ngunit hindi niya lang ipinapahalata dahil ayaw niyang magmukhang talunan siya. Kaya niyang tiisin hanggat hindi pa siya nakakaramdam ng sobrang sakit. Kumikirot, ngunit hindi naman ganoon kasakit. "Mabuti naman at humihinga ka pa riyan. Naubusan ng gasolina itong kotse at bibili muna kami. Dito ka lang, ha? Hahayaan naming nakabukas ito at huwag na huwag kang tatakas. Nakaawa ka naman, baka mamatay ka. Sayang, hindi mo pa masasaksihan ang