NAPABALIKWAS SI ROSALLIA nang maramdaman niya ang malamig na hangin na yumakap sa kaniyang katawan. Maliwanag na kalangitan ang kaagad niyang nakita. Nang igala niya ang paningin, namataan niya ang sarili na nasa balkonahe at nakahiga siya sa bench. Napailing siya at umupo sa kinahihigaan saka inalala ang nangyari. Nagtungo siya sa balkonahe para magpahangin dahil nainitan siya. Hindi siya mapalagay dahil kay Nate. Kahapon, sising-sisi siya na pinatalon niya ito mula sa balkonahe. Alam niyang hindi maayos ang binata dahil kahit hindi siya ang gumawa, nakita niya kung paano lumagpak si Nate sa damuhan. Gusto niyo itong puntahan kung saan man ito naroroon ngunit hindi niya kaya... hindi niya kayang makita si Nate ng hindi mabuti ang lagay. At dahil yata sa malalim niyang pag-iisip, nakatulo