"AALIS NA MUNA kami ni Nathan, Auntie Madett. May aayusin lang kami sa kumpanya and after that, we will be back right away," anang Ma'am Julietta kay Ma'am Madett. Napatango si Rosallia kahit hindi siya ang kausap nito. Ngayong aalis ang mag-asawa pansamantala, alam ni Rosallia na maraming mangyayari sa mansiyon. Hindi niya kayang manatili rito kaya uuwi na muna siya sa kanilang bahay at gusto rin niyang bisitahin ang kaniyang inay. "Okay, Julietta. Mag-ingat kayo sa daraan niyo," nakangiting ani Ma'am Madett saka niyakap pa ang ginang. Ilang segundong nagyakapan ang dalawa bago naghiwalay din kalaunan. Nakangiti si Ma'am Julietta. "Sige na, Auntie. Aalis na kami, Nathan is waiting me outside," ani nito saka nagpatiuna na. Nangingiti na lang si Ma'am Madett habang nasa tabi nito si Emi