NANG SUMAPIT ANG gabi, naghanda na si Rosallia para kumain. Nagluto siya sa kahoy nilang kalan ng kanin at ulam. Nang matapos, nagsimula na siyang kumain. Hindi mapigilan ni Rosallia ang malungkot, nakakalungkot na mag-isa lang, hindi kaya ni Rosallia na ganoong ang sitwasyon niya. Pero kahit na ganoon pa man, nakaraos siya nang pagkain. Hinugasan na niya ang kinainan at nagtungo na sa munti niyang kuwarto. Nang akmang hihiga na siya sa kaniyang papag, may bigla siyang naalala. May isa pa pala siyang dahilan kaya umuwi at iyon ay para tingnan ang larawang ibinigay sa kaniya ng kaniyang inay. Hinanap niya iyon at nakita niya agad— sa damitan niya nahanap. Kapagkuwan ay umupo siya sa papag at kinuha sa bag niya ang larawang kinuha niya sa album ni Ma'am Julietta. Nang parehas ay nasa mga k