Note: Ang kabanatang ito ay nangyari bago ang wakas! * * * ABALA SI ROSALLIA sa pagtitiklop ng mga nilabhang damit nang marinig niyang bumukas ang pinto ng kuwarto niya. Nakakunot-noo niyang inangat ang kaniyang mukha at nakita niya ang nanay niyang papasok. "Ano pong ginagawa niyo rito?" taka niyang tanong saka ipinagpatuloy ang kasalukuyang ginagawa. "Bakit ikaw ang naggagawa niyan, anak? May mga yaya naman, e. They have responsibilities lalo na sa iyo na buntis pa naman. You should not do that," wika ng nanay niya saka umupo sa harap niya. Malalim siyang napabuga ng hangin sa bibig at itinigil ang ginagawa saka binigyan ng atensyon ang nanay niya. "Huwag po kayong mag-alala dahil maayos lang po ako. Isa pa'y malakas pa naman po ako, e. Tao rin po ang mga kasambahay natin at napapag