Note: Ang kabanatang ito ay nangyari bago ang wakas! * * * NGAYONG ARAW NA nga pala ang kasal ni Rosallia at Nate. Kanina pang umagang malapad ang ngiti ni Rosallia. Mula sa paggising niya, ang kasal na kaagad nila ang kaniyang nasa utak. Pero nalulungkot din siya dahil kahapon niya pa hindi nakikita ang magiging asawa niya, si Nate. "Ang ganda mo talaga, miss," anang babaeng nagme-make-up sa kaniya. Nakangiti siya ritong tumingin sa pamamagitan ng repleksyon nito. At bahagya siyang nagulat nang mamukhaan ang naturang babae. Hindi siya maaaring magkamali dahil ang babaeng ito ay ang babaeng nag-make-up noon sa kaniya. "Hala, kayo po pala iyan!" gulat niyang sabi. "Ako nga. Kanina pa kitang inaayusan pero ngayon mo lang ako nakilala. Nevermind! Ikakasal ka ba ulit sa lalaking pinakas