Sunshine WEIRD, iyon ang kilos ng mga tao sa paligid ko. Nang dumating kami ni Caden lampas tanghalian, nagpaalam akong matutulog muna habang siya ay pupunta raw sa pinatatayong rest house malapit lang sa bahay. Ngayon na gising na ako, ang weirdo naman ng mga tao dito sa bahay. Parang iniiwasan nila ako pati na sagutin ang aking mga tanong. Wala pa si Caden at hindi rin siya nasagot sa text messages ko pati na tawag kanina pa. Sumuko din ako nang malaon at pumunta na lamang sa kusina para kumain mag-isa. Pasado alas singko palang ng hapon at tirik na tirik pa ang araw sa labas. Iniisip ko kung nasa construction site pa ba si Caden o may ibang pinuntahan na. “Ate, pagkatapos mo diyan magbihis ka,” kunot-noo akong tumingin kay Winter na humahangos na pumasok sa kusina. Lumakad siya palapi