Caden MATAPOS ang makailang beses na panunuyo, napapayag ko rin sa wakas si Sunshine na umuwi sa San Simon. Pagkakataon na namin magpahingang dalawa lalo’t holy week at inutos ko ang mahabang bakasyon sa mga tiga-opisina. Hindi rin kami kumuha ng project or kahit na ano during the week para mas mahaba ang pahinga ng mga empleyado ko. Gano’n din naman sa IAA pero mas maagang nagbakasyon si Sunshine na na-approved naman agad dahil sa maganda niyang work performance simula ng ma-hire at kahit pa may pinagdaang mabigat. Pagkakataon na para pagaanin ko naman ang loob niya at itong bakasyon na ‘to ang naisip ko. “Are you okay?” tanong ko kay Sunshine nang humilig siya sa aking balikat. I lost count on how many times I asked her that question already. Pag-alis namin ng bahay hanggang dito sa bu