Ang sakit pala kapag nasa ‘ganong sitwasyon ka. Nakakainsulto lang kasi. Halos mandiri siya sa akin noong kailan lang dahil sinabi kong virgin ako. Tapos ngayon makadikit siya sa nerd na iyon? Maka alala siya doon parang may something sila? Ano bang meron ang isa na iyon na wala ako huh?Darn it! Stop comparing Kylie! You don’t have to compare! Humilig ako sa nguso ng Hondo Civic ko at kumuha ng sigarilyo . Hindi muna ako papasok sa first period ngayong hapon. Nakakatamad kasi.Sinindihan ko iyon at agad hinithit. Hanggang sa naubos at itatapon ko sana nang may nagparking sa harap ko. Sa kabilang gater na isang Black SUV. Kumalabog agad ang dibdib ko dahil alam ko kung kanino iyon. Iniluwa doon si Clinton. Wearing a black V neck shi