Kung ano ang ibig sabihin ng halik na iyon, ay wala akong alam. Kasi simula no’nay hindi ko na siya nakita dito sa loob ng school. Kahit ako naguguluhan na. Napaka bipolar niya hindi ko talaga siya makuha minsan. "Mall tayo mamaya? Wala tayong pasok sa hapon di’ba?" tanong ni Jen habang hawak ang frappe niya. Wala kasi si Natalia ngayon.Hinayaan mo na siya namin mag isa. I nodded at sinalikop ang buhok ko at pinuyod. Ang init kasi nang panahon ngayon. "Sige.Shangri la tayo.May bibilhin ako doon." Sabi ko. Babalikan ko iyong bag na gusto ko doon. Nagsale yata ‘yon kaya alam kong bagsak presyo iyon ngayon. "Oh! Teka lang. Naiwan ko yata ang cellphone ko sa room. Buwesit naman.." Biglang sabi ni Jen. Badtrip aalis na kami e. Nasa harap na kami ng sasakyan ko. I rolled my eyes. "Sig