Naging normal ulit ang aking mga araw. Nagkakasalubong kami at nagkakatinginan pero hanggang doon nalang. Nakikita ko rin siya minsan kasama si Berna.Hindi ko maiwasan makaramdam ng pait. Napagtanto ko na mas okay rin pala ang ganito. Kahit na lihim akong nasasaktan. Mas okay na ito kumpara noon. "Sasama ka mamaya sa Wet party?'' Jenn asked.Nagliligpit na kami. Ang iba naming kaibigan ay nauna nang umuwi.Magpe-prepare daw para mamaya. Nilagay ko sa loob ng bag ang aking notebook. "Oo naman , ikaw?" "Of course , may susuotin ka na ba?" tanong niya at umalis na kami doon. "Marami pa akong damit na hindi nasusuot na pwede kong gamitin." "Ako ‘rin." sabi niya habang papatawid kami patungong Starbucks. Medyo puno na ang loob. Pagka pasok namin ay humanap agad kami ng pwesto na malapit