Hinila niya ako palayo doon. Tinungo namin ang parking area kung saan naka parked ang sasakyan niya. "Ano iyong sinabi mo?" Asik ko sa kanya at pilit hinihila ang aking braso. Pinatunog niya ang kanyang chevrolet at binuksan ang front seat. "Ano ba bitawan mo nga ako! Bakit mo yun sinabi? Pinahiya mo ako." Gitil ko at nagmatigas na hindi pumasok. Nilagay niya sa nakabukas na pinto ang kanyang braso ang isa ay sa baywang niya. "Bakit hindi ba totoo? Sa tingin mo ba titigilan ka no’n kung hindi ko sinabi iyon? Seryoso siya sa pagsabi non. He licked his lowerlip. He broke up with Athena dahil sakin? Gusto ko siya bilang kaibigan. Hindi na lalagpas pa doon.Dahil sa sinabi ni Clinton ay binitawan niya ako. Kung hindi naman ay pipilitin niya lang akong isama kahit na hindi ko gu