Weird

1999 Words

Chapter 8 Nang matapos akong maligo, isinuot ko muna ang bathrobe na nakita ko. Ginamit ko rin ang bagong toothbrush na nakita ko sa mga drawers. Kumpleto halos lahat ng personal hygene kit dito sa loob ng banyo ni Kiel. "Hanep ah? Daig pa ang watsons" Namamangha ako habang tinitignan ang mga facial mask, lotions at kung ano ano pang mga skin care ang naroon sa bawat drawers. Gusto ko sana mag-try kaso nakakahiya naman dahil nakikiligo lang ako. Mas nakakahiya rin kung kukupit ako. Kaya naman nakuntento nalang akong usisain ang bawat drawers ni Kiel. Gumamit lang ako ng lotion para naman hindi masayang ang pagpapakinis ni madam Carolina sa balat ko noong nakaraan. Ang daming lotions ni Kiel. Nagagamit niya kaya lahat ng ito? Mukhang hindi pa nabubuksan ang iba sa mga iyon eh. Pero lah

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD