Chapter 9 "P-Para saan yan?" Kunot nuo kong tanong kay Kiel nang iabot niya sakin ang isang paper bag. Tinitigan ko lang iyon at papalit-palit ang paningin ko sa seryosong mukha ni Kiel at sa paper bag na hawak niya "For you? O kung gusto mo pamigay mo sa iba. Ayaw mo ba?" Supladong sagot niya at parang naiinip siya sa paghihintay na kuhain ko mula sa kamay niya yung paper bag Kaya naman mabilis kong kinuha sakanya yung paper bag at binusisi ang laman niyon. Ang sabi niya, magbibihis lang daw siya at ihahatid niya ako sa bahay namin. Hinintay ko siya ng ilang minuto pero paglabas niya ng kwarto niya may bitbit na siyang paper bag Unti unting nanlaki ang mga mata ko ng makita kong bubble bath soap, body wash, body lotion ang laman ng paper bag! Iyon ang mga ginamit ko kanina nung nakil